
Main menu:
Babantayan ko ang aking puwesto at lahat ng pag-aari ng kompanya na aking abot-tanaw at ipagtatanggol at pangangalagaan ko ang mga ito sa abot ng aking makakaya.
Maglakad na tulad ng isang militar sa loob ng oras ng aking panunungkulan habang nagmamasid sa bawat bagay o nayayari sa abot ng aking paningin o pandinig.
Ipagbigay-alam ang lahat ng paglabag sa mg utos na ipinatutupad sa akin.
Ulitin ang lahat ng pananawagang galing sa mga puwestong mas malayo kaysa sa aking puwesto.
Iiwanan lamang ang aking puwesto kapag ako ay pinalitan na ng naaayon sa tamang pamamaraan ng palitan.
Tanggapin, sundin at ipaabot sa aking kapalitan ang lahat ng utos mula sa mga pinuno sa kompanya, tagamasid at taga-pangasiwa ng puwesto o halinhinan.
Huwag makipag-usap kaninuman maliban kung ito ay may kinalaman sa tungkulin.
Magbigay ng babala kapag may nagaganap na sunog o kaguluhan.
Tawagan ang nakakataas na opisyal sa pangyayari na hindi sako ng mga kautusan.
Sumaludo o magbigay galang sa lahat ng pinuno ng kompanya, pinuno ng ahensya, matataas na mga pinuno ng gobyerno at pinuno ng Pambansang Pulisya.
Maging lalong mapamasid sa gabi, sa mapanganib o maselang oras, sitahin lahat ang mga tao sa aking puwesto o yong malapit sa aking puwesto at hindi papayagan ang kahit sino man ang dumaan at umaligig ng walang kapahintulutan.